Home  |  Calendar  |  Campus Directory & Map  |  Contact Us  |  Site Map

       SSC News and Events                                              SY 2007-08

 NEWS ARCHIVES SY 2004-2005  |  SY 2005-2006  |  SY 2006-2007 | SY 2007-2008


Mga Katangian ng Isang Mabuting Lider at Tagasunod

ni Lorynel Anne B. Perez, Grade 6-St. Gregory
Posted: Monday August 13, 2007 09:47 AM

Si Ambassador Henrietta de Villa kasama ang mga administrador, guro at mag-aaral ng Sta. Iskolastika

Naging panauhing pandangal ng St. Scholastica's College Grade School Unit ang pangulo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRCV) noong Hulyo 10, 2007.  Siya ay si Ambassador Henrietta de Villa.  Kanyang ibinahagi ang kanyang kaalaman tungkol sa paksang "Mabuting Pinuno at Tagasunod."  Ang mga mag-aaral sa baytang 4 hanggang 6 ang dumalo.

Sa kanyang mga ibinahagi, nabanggit niya ang kahalagahan ng tamang pagpili ng pinuno.  Ang katangian ng mabuting

pinuno na dapat isaisip at piliin.  Ang akronim na INFLUENCER ay lalong nagpalawak sa kanyang pahayag.  Ito ay nagpabukas sa isipan ng mga mag-aaral.  "Hindi magiging mabuting pinuno ang taong hindi naging mabuting tagasunod," wika pa niya.

Ang nasabing gawain ay may kaugnayan sa naganap na eleksyon ng mga mag-aaral ng mababang paaralan.  Marahil nagamit ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan sa pagpili ng pinuno at tamang pagboto. 

MGA KAUGNAY NA BALITA:
Grade School faculty invents electoral process board game
Grade School Electoral Process Module formally opens

 
  Resources for:  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  ST. SCHOLASTICA'S COLLEGE

2560 Leon Guinto Street, Malate, Manila, Philippines  ::  (632) 524-7686

For inquiry, comments and suggestions, please  send e-mail to sscinfo@ssc.edu.ph