![]() |
|
||||||
|
|
||||||
|
NEWS ARCHIVES:
SY 2004-2005
|
SY 2005-2006
|
SY 2006-2007
|
SY 2007-2008 |
SY 2008-2009
| Paglulunsad sa Proseso ng Eleksyon ![]() Sa araw na ito, Hulyo 9, 2012, kasabay ng Triduum para sa Kapistahan ni San Benito na inihanda ni Bb. Teresita Bautista, inilunsad ang taunang Proseso ng Eleksyon. Pinangunahan ito ng mga guro sa HEKASI na sina G. Michael Suyom (Stage Manager), Bb. Elma Enorme (Asst. Stage Manager), Gng. Liz Rebancos, Bb. Alma Cacas, G. Juanito Dona, G. Jason Closas at G. Jonathan Guillermo. Tumulong rin sa presentasyon sina Bb. Divina David (DTIE Coordinator), Gng. Arlyn Suyom, Bb. Leslie Marquez at G. Franz Quejado. Inihanda naman ni Bb. Melinda Magallanes ang script. ![]() Ang paglulunsad ay nakatuon sa tema ng Proseso ng Eleksyon na " Tayo nang maglayag patungo sa paghahanap ng mga mabubuting pinuno sa bawat Iskolastikan. Ito ang bagong pag-asa." Inaanyayahan nito ang bawat mag-aaral na tuklasin ang mga angking mabubuting katangian. Kabalikat na rin ito sa hamon ng ating pangulong si Sister Mary Thomas Prado, OSB na sa bawat Iskolastikan ay may isang lider. Ang temang ito ay lubos na naipahatid sa mga mag-aaral at mga guro sa pamamagitan ng isang maiksing skit sa istilo ng X Factor na kung saan ang mga kalahok na ginaya naman ang One Direction ay nagpakita ng mga mahahalagang katangian ng mabuting lider. Sa wakas ng skit ay nanalong lahat ang mga katangian na pinangungunahan ng pagiging maka-Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. PROSESO NG ELEKSYON
Binigyang-diin ng Koordineytor ng HEKASI na ang paglilingkod at hindi ang pagnanais na maging popular ang nararapat na layunin ng mga nais kumandidato. Idinagdag pa na dapat panatilihin ang pagiging simple sa halalan sa pamamagitan ng muling paggamit ng mga lumang papel o anumang gamit para sa mga kagamitan sa pangangampanya. ![]() Ayon kay Sister Edna Quiambao, OSB, ang butihing prinsipal ng Grade School, ang pagiging mabuting lider ay hindi lamang ngayong eleksyon ipakikita kundi ito ay panghabambuhay. Inanyayahan niya ang lahat na maging idolo sa paglilingkod sa Diyos, sa bayan at sa kalikasan.
PHOTO GALLERY:
|
|
||||||
![]() |
|
||||||
|
|
||||||
|
|
||||||